Tikom pa din si Ombudsman Conchita Carpio – Morales sa inihaing impeachment complaint laban sa kanya.
Ayon kay Morales, hindi muna siya magsasalita hangga’t walang natatanggap na kopya ng reklamo.
Inihain ang reklamo sa Kamara ng mga kapanalig ng Duterte administration na Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of Philippine Constitution Incorporated maging ng mga pamilya ng nasawing SAF – 44 troopers sa Mamasapano, Maguindanao.
Nakapaloob sa impeachment ang akusasyong graft and corruption, treason, bribery, culpable violation of the constitution at betrayal of public trust.
Gayunman, wala pang mambabatas ang nag-e-endorso ng naturang reklamo sa mababang kapulungan ng Kongreso.