Bumuwelta kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa ginagawang pagkuwestyon ng Office of the Ombudsman sa desisyon ng Korte Suprema na palayain si Ginang Arroyo.
Ayon kay Atty. Larry Gadon, isa sa mga abogado ni Ginang Arroyo, nakakawalang-respeto na isang dating Supreme Court Justice na tulad ni Morales ang kumukuwestyon sa desisyon ng institusyong pinagsilbihan niya.
Pinatutunayan lamang anya ni Morales na tuta siya ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Patunay dito ang isa pang plunder case laban kay Ginang Arroyo na tinatrabaho anya ng Ombudsman.
Bahgai ng pahayag ni Atty. Larry Gadon
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas