Mag-iinhibit si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa isasagawang imbestigasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte gayundin sa 27 iba pa.
Kasunod ito ng inihaing reklamo ng self confessed hitman na si Edgar Matobato hinggil sa presensya umano ng Davao Death Squad sa panahon ng panunungkulan ni Duterte bilang alkalde ng Davao.
Maliban sa Pangulo, sinampahan din ng reklamo ang anak nito na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kaugnay sa mga kaso ng kidnapping, torture, murder, genocide at iba pang crimes against humanity.
Ayon kay Morales, hindi siya makikiisa sa lahat ng imbestigasyong may kinalaman sa Pangulo gayundin sa pamilya nito dahil sa kapatid ni Morales ang biyenan ng Davao Mayor na si Inday Sarah Duterte – Carpio.
By: Jaymark Dagala