Naglatag ng mga bagong patakaran ang Ombudsman para sa mas mahigpit na pagkuha ng statement of assets, liabilities at net worth (SALN) ng mga opisyal.
Sa SALN idinedetalye ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang mga kayamanan.
Sa pamamagitan nito, nabubusisi kung mayroong itinatagong yaman ang isang opisyal ng pamahalaan.
Sa bagong patakaran na inilabas ng Ombudsman, nilagyan ng limitasyon kung sino lamang ang maaaring makakuha ng kopya ng SALN.
Hindi umano maaaring makakuha ng SALN ang sino man kung hindi ito aprubado ng public official.