Nagpalabas na ng subpoena ang Office of the Ombudsman para sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Ombudsman Samuel Martirez, nais nilang makuha ang ilang mga dokumento hinggil sa pagpapalabas at paggamit sa pondo para sa pagresponde sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Partikular na tinukoy ni Martirez ang special allotment release orders para sa ayuda sa mga pamilya ng frontliners na nasawi sa COVID-19.
Sinabi ni Martirez na nakatutok ang imbestigasyon kung nasaan na ang pera ng COVID-19 sa ngayon.