Nakitaan ng probable cause ang Office of the Ombudsman upang kasuhan ng Usurpation of Legislative Powers si dating Budget Secretary Florencio “butch” Abad.
Kaugnay ito sa implementasyon ng Aquino Administration ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.
Inakusahan ng Tanodbayan si Abad ng paglabag sa Article 239 ng revised penal code dahil sa pagpapalabas ng national budget circular 541 na ginamit upang ipamahagi ang DAP.
Napatunayan ding guilty sa simple misconduct ang dating kalihim at pinasususpinde ng tatlong buwan subalit maaaring pagmultahin na lamang ng katumbas ng 3 month salary dahil wala na siya sa government service.
Gayunman, abswelto naman sa criminal at administrative charges sina dating Pangulong Noynoy Aquino at Budget and Management Undersecretary Mario Relampagos.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, iligal na pinanghimasukan ni Abad ang kapangyarihan ng Kongreso na mag-rebisa ng mga probisyon sa savings ng 2012 General Appropriations Act.
By: Drew Nacino / Jill Resontoc