Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman ng kasong paglabag sa Anti – Graft and Corrupt Practices Act, malversation at malversation thru falsification of public funds si Dating North Cotobato Rep. Gregorio Ipong, Dating DSWD Sec. Esperanza Cabral at 3 iba pa.
Ito ay kaugnay sa maanomalyang paggamit ni Ipong sa kanyang 9.4 milyong pisong pork barrel fund sa pamamagitan ng special release allotment order na inilabas noong Enero 2007.
Ayon sa Ombudsman idinaan ni Ipong ang pondo sa DSWD, bilang implementing agency at sa Economic and Social Cooperation for Local Development Foundation Incorporated, bilang NGO partner.
Ang pondo ay para sana sa medical missions, health materials at iba pang gamot para sa constituents at livelihood assistance para sa 75 pamilya, na hindi umano natanggap ng mga umanoy beneficiaries.
Kasama nina Ipong at Cabral sa kaso sina DSWD Usec. Mateo Montaño, Leonila Hayahay at Roberto Solon ng Economic and Social Cooperation for Local Development Foundation Incorporated.
By: Katrina Valle / Jill Resontoc