Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman si Nayong Pilipino Foundation Inc. (NPFI) Chairman Patricia Yvette Desiongco.
Ito’y matapos mapatunayan na nakinabang sa libreng private jet transportation ang grupo ni Desiongco.
Nadiskubre ng Ombudsman na ginamit ito mula Setyembre 29, 2017 hanggang Oktubre 1, 2017 patungo at pabalik mula sa Jeju Island sa South Korea.
Bukod dito napag-alaman din na may libreng akomodasyon na nakapaloob sa Landing International Development Limited (LIDL).
Nangyari umano ang iregularidad sa kasagsagan ng negosasyon para sa kontrata ng Nayong Pilipino at LIDL.
Malinaw sa batas na mahigpit na ipinagbabawal sa mga pampublikong opisyal na mag-request at tumanggap ng regalo o pabor mula sa mga katransaksyon ng gobyerno.