Pinuna ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez ang Ombudsman sa aniya’y hindi nito pagsasampa ng kaso laban sa mga miyembro ng LP o Liberal Party noong mga nakalipas na taon.
Sa pagdinig kaugnay sa 2018 budget ng Office of the Ombudsman, inisa-isa ni Suarez ang mga mambabatas na kinasuhan dahil sa PDAF o Priority Development Assistance Fund scam subalit isa lamang sa mga ito ang miyembro ng Liberal Party.
Kinuwestyon ni Suarez ang sponsor ng Ombudsman budget na si oriental Mindoro Representative Salvador Leachon dahil hindi kinasuhan ng anti-graft court ang mga tiwaling LP official.
Binigyang-diin naman ni Leachon na walang kinikilingang partido si Ombudsman Conchita Carpio – Morales na itinalaga ng dating Pangulong Noynoy Aquino.