Sinuspinde ng anim na buwan ng office of the Ombudsman ang isang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pangasinan.
Inilagay sa preventive suspension si Editha Romero dahil umano pinayagan nitong magpatuloy ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa kabila ng order ni PCSO General Manager Alexander Balutan.
Una nang ipinag-utos ni Balutan na huwag nang gamitin ang betting outlet ng kumpanyang speedgame para sa STL operations matapos na mabigo ang kumpanya na iparehistro ang deed of assignment of shares of stocks.
Ginawa rin ang suspensiyon para bigyang daan ang naka pending na grave misconduct at gross neglect of duty laban kay Romero na isinampa ni speedgame firm president David Diciano.
Nakitaan ng Ombudsman na sapat ang naging basehan para tanggalin muna si Romero sa kanyang pwesto habang dinidinig ang mga kaso.
Kung mapapatunayang nagkasala, posibleng tuluyan nang mapatalsik sa pwesto ang naturang opisyal.