Hindi na i-aapela ng Ombudsman ang pagkaka-absuwelto ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa 16 na graft charges kaugnay sa pork barrel scam.
Kasunod na rin ito ng polisiyang pinaiiral ni Ombudsman Samuel Martires na hindi na dapat i-apela ang pagbasura ng mga kaso o quashal of information and judgments of acquittal.
Sa inisyung resolusyon ng special first division ng sandiganbayan nuong Hulyo 1 pinagbigyan nito ang demurrer to evidence na isinampa ng kampo ni Revilla dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban dito bagamat ibinasura ang parehong mosyon ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Ang demurrer to evidence ay kapareho ng motion to dismiss sa basehang insufficiency of evidence.