Inihayag ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) na matagal na silang naghain ng Urgent Motion for Clarification sa Energy Commission Regulation (ERC) kaugnay sa suplay ng kuryente sa kanilang lugar.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni OMCPC chief operating officer Calvin Luther Genotiva na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito inaaksyunan ng ERC.
Giit pa niya na hanggang 12 megawatts lamang mula sa 27 megawatts na demand ang kanilang isinusuplay sa lalawigan, dahil hindi sila mababayaran sakaling lumampas sa naturang bilang.
Bukod pa dito, isang ilegal na hakbang din ang mag-operate ng lampas sa 12 megawatts hanggat hindi sinasabi ng ERC.
Samantala, nanawagan si Genotiva sa ERC na aprubahan na ang inihaing Motion for Clarification.