Isiniwalat ng Google Philippines ang top search queries o most search keywords ng mga Pilipino sa kanilang platform ngayong taon ilang linggo bago matapos ang taong 2019.
Sa thanksgiving party ng Google Philippines sa Taguig City, inanunsyo nito na ang online chat site na “Omegle” ang nanguna sa listahan ng over all top trending searches ngayong taon.
Ayon kay Google Philippines Principal Industry Analyst Geia Lopez, sikat ang Omegle sa mga Pilipino at iba pang lahi dahil ginagamit ito ng k pop artists sa pag sorpresa sa kanilang fans.
Pasok sa overall top trending searches ang Omegle, Memoryhackers, Codashop, Idol Philippines Vote, Thanos, NBA Standings 2019, Halalan 2019, Eddie Garcia, Pacquiao vs. Broner at Memories Lyrics.
Ang Pinoy male group naman na SB19 ang most searched male personality habang ang bagong Darna na si Jane De Leon ng most search female personality.
Kabilang naman sa full list ng male personalities ang SB19, Vico Sotto, Gerald Anderson at Isko Moreno.
Sa full list naman ng female personalities, pasok sina Jane De Leon, Gretchen Barretto, Gazini Ganados, Marjorie Barretto at Catriona Gray.
Sa news category, kabilang sa most searched ang Halalan 2019, Let Result March 2019, Earthquake Today at SOGIE Bill.
Sa events naman, NBA Standings 2019, Pacquiao vs Broner, FIBA World Cup at Pacquiao vs. Thurman.
Sa movies category, ‘’Avengers: Endgame’’, ‘’Hello, Love, Goodbye’’, ‘’Captain Marvel’’ at ‘’John Wick 3’’.
Mayroon ding most searched sa mga category ng TV shows, songs and lyrics, game related searches, losses, how to at dogs.