Humirit ang ilang grupo ng manggagawa ng omento sa sahod matapos ang serye ng Oil price hike.
Ito’y matapos ipagpatuloy ng ilang Jeepney driver at Transport groups ang kanilang petisyon na taasan ang minimum fare dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay Ecumenical Institute for Labor Education and Research Executive Director Rochelle Porras, kahit aniya kalahati ng family living wage o yung P750 ay pwedeng itaas doon ang sahod.
Inihayag naman ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na tinitignan nilang magsumite ng Petition for Wage Increase ngayong buwan.
Samantala, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Karl Chua na posibleng bumalik ang normal na pasahod sa mga part-time employers sa ilalim ng Alert level 1. —sa panulat ni Airiam Sancho