Walang dapat ipangamba ang puliko sa Omicron “centaurus” sub-variant.
Ito ang tiniyak ni Infectious diseases expert, Dr. Edsel Salvana sa gitna ng mga naglalabasang ulat hinggil sa nasabing sub-variant ng COVID-19.
Iginiit ni Salvana na pinalalala at “sinensationalize” lamang ng media ang issue sa centaurus sub-variant o BA 2.75.
Gayunman, hindi naman dapat mag-panic sa bawat bagong lumalabas na Omicron sub-variant dahil ang mahalaga ay patuloy na mag-monitor at sumunod sa health protocols.
Binigyang-diin ni Salvana na nag-iba na ang pangalan ng sub-variant ng Omicron mula sa designated variants of concern ng WHO dahil sa media at sa halip na ihango sa greek alphabet, ginawa itong pangalan ng galaxy.
Nilinaw din ng Infectious disease expert na ang BA.2.75 ay hindi isang variant of concern at hindi mula sa Omicron lineage, kahit na posible itong makapasok sa bansa.