Hindi dapat maliitin ng publiko ang Omicron variant bilang isang mild na sakit kasabay ng pagkalat ng Delta variant.
Ito ang ibinabala ni infectious diseases expert, Dr. Edsel Salvaña, miyembro ng DOH-Technical Advisory Group sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Salvaña, bagaman natuklasan na mild lamang ang Omicron, maaari pa rin itong maging dahilan nang pagkaka-ospital ng isang indibidwal.
Inihayag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dahil mas nakahahawa ang Omicron, higit na maka-aapekto ito sa healthcare system gaya ng nararanasan ng mga healthcare worker lalo sa Metro Manila.
Kahit anya dominante na ang Omicron variant, nananatiling banta ang Delta variant sa bansa.