Nananatiling dominanteng variant sa Pilipinas ang Omicron sub-variant na BA.2
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na madaling tamaan ng naturang variant ang mga immmunocompromised individuals, senior citizens, at wala pang bakuna.
Paliwanag ni Solante, hindi maiiwasang mag-mutate ang virus kaya’t posibleng ikasa ang taon-taong bakunahan kontra COVID-19.