Hindi dapat ikabahala ang presensya ng Omicron subvariant na BF.7.
Ito’y ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, dahil hindi aniya ito itinuturing na variant of concern gayunman nananatili itong variant of interest.
Iginiit pa ni Solante na maraming bansa ang nakapagtala na ng nasabing variant ngunit hindi aniya tumaas ang hospital admissions ng mga ito.
Una nang inanunsyo ng Department of Health na may apat na kumpirmadong kaso ng Omicron subvariant BF.7 sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Solante na mayroon nang nabuong proteksyon ang Pilipinas laban sa naturang variant kaya’t tiwala ito na hindi maaapektuhan ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.