Halos tatlong beses na nakakahawa ang Omicron subvariant kumpara sa orihinal na bersyon ng Omicron coronavirus variant.
Ito ang inihayag ng Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan kasalukuyan aniya itong kumakalat sa Estados Unidos.
Dagdag ni Vergeire, lumalabas sa mga unang pag-aaral na ang BA 2.12 ay nagdudulot ng hindi gaanong malubhang sakit kaysa sa orihinal na Omicron.
Hindi rin aniya ito inuri ng (WHO) World Health Organization bilang variant of interest o variant of concern.
Samantala, hindi rin binabawasan ng doh ang posibilidad na may iba pang kaso ng BA.2.12 sa Pilipinas.