Nangunguna pa rin ang Omicron sub-variant bilang dominanteng COVID-19 sub-lineage sa latest genome sequencing na isinagawa ng Department of Health (DOH), kahapon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabuuang 190 ang common lineage na kanilang nakita sa huling sequencing.
114 ng Omicron sub-lineage ang natukoy na kinabibilangan ng tatlong BA.5 subvariant at pitong BA.2.12.1.
Sa pitong kaso ng BA.2.12.1, tatlo ay nagmula sa NCR habang tig-isa sa Region 1, 2, 4-A at 5.
Samantala, 14 na bagong kaso naman ng Delta variant ang lumabas sa sequencing ng DOH, isa ang ibang lineages at 61 ang walang assigned lineage.