Malabo na umanong maulit ang surge ng Omicron variant sa Metro Manila dahil sa dami na ng mga binakunahan.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, unti-unti nang bumababa ang trend ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Kabilang anya sa mga nasa kategoryang moderate risk classification ang mga lungsod ng Maynila, Malabon, Caloocan, Valenzuela at Navotas.
Bukod sa NCR, patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa mga karatig lalawigan tulad sa Rizal, Cavite at Bulacan.
Sa kabila nito, inihayag naman ng molecular biologist na si Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA na posible ang panibagong Omicron surge sa mga probinsiya. —sa panulat ni Mara Valle