Nanawagan sa publiko ang World Health Organization (WHO) na hindi dapat balewalain ang panibagong kaso ng Covid-19 na Omicron variant.
Ayon kay WHO Technical Lead for Covid-19 Dr. Maria Van Kerkhove, kahit na “less severe” ang ipinapakitang sintomas ng Omicron variant ay mabilis itong kumalat at makahawa sa taong hindi pa bakunado o may karamdaman.
Sinabi ni Kerkhove na posibleng hindi lang omicron ang magiging huling variant of concern sa bansa kung hindi mag-iingat ang publiko.
Dagdag pa ni Kerkhove na isa sa pinaka magandang solusyon ay ang pagpapabakuna upang maiwasang kumalat ang nakakahawang sakit.—sa panulat ni Angelica Doctolero