Kinumpirma ng World Health Organization na kalat na sa mahigit 40 bansa ang Omicron variant ng COVID-19.
Gayunman, nilinaw ni W.H.O. Spokesperson Christian Lindmeier na wala pang namamatay sa naturang COVID strain.
Gumagawa na rin anya ng mga paraan ang mga vaccine manufacturer upang i-adjust ang kanilang mga produkto laban sa Omicron variant.
Hinimok naman ng opisyal ang publiko na iwasang mag-panic sa pagkalat ng panibagong variant lalo’t maaga pa upang sabihing hindi ito tinatablan ng bakuna.
Sa mga bansang nakapagtala ng Omicron, pinaka-marami sa South Africa, na nakararanas ngayon ng 4th wave ng COVID pandemic dahil sa bagong variant. —sa panulat ni Drew Nacino