Kinumpirma ng Dutch Health Authorities na nasa Netherlands na ang COVID-19 Omicron variant isang linggo bago matuklasan ng mga siyentista sa South Africa.
Ayon sa Dutch R.I.V.M. National Institute for Public Health and the Environment, noon pang November 19 at 23 na-detect ang Omicron sa dalawang test samples.
Gayunman, hindi pa malinaw kung ang dalawang pinagkunan ng samples ay bumiyahe rin ng South Africa.
Magugunitang labing-apat na pasahero ng klm flights mula south africa na dumating sa amsterdam noong November 26 ang nag-positibo sa Omicron variant.
Dahil dito, umabot na sa labing-anim ang kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa Netherlands, ang isa sa pinaka-mataas sa Europa. —sa panulat ni Drew Nacino