Posibleng ang Omicron variant ng COVID-19 ang simula ng katapusan ng pandemya.
Ito ang sinabi ni OCTA Research Fellow Father Nicanor Austriaco kung saan tinawag niya na ‘natural vaccine’ ang Omicron variant dahil makakakuha aniya ng antibodies na makapoprotekta sa iba pang variant ng COVID-19 ang mga makakarekober sa nasabing variant.
Samantala, nagpaalala si Austriaco sa publiko na mag-ingat at mahigpit na sundin ang health and safety protocol. —sa panulat ni Airiam Sancho