Pinaghahandaan na ng mga Vaccine Manufacturer ang panibagong virus na Omicron variant na unang na-detect sa South Africa at itinuturing na “variant of concern” na nagtataglay umano ng maraming mutations at mataas ang risk ng reinfections.
Ayon sa kumpaniyang Biontech Se, sinisimulan na nila ang proseso sa paggawa ng mga bagong bakuna kahit wala pang nakukuhang kabuuang impormasyon tungkol sa naturang virus.
Bukod pa dito, hinihintay padin nila ang mga datos para malaman kung kakailanganin bang gumawa ng bakuna laban sa Omicron variant.
Samantala, pinag-aaralan narin ng Moderna ang natuklasang bagong variant kung ano ang magiging epekto nito sa isang tao.
Sakali namang gumawa ang Moderna ng bakuna laban sa Omicron variant ay aabutin pa ito ng ilang buwan bago mailabas.
Sa ngayon, pinag-aaralan narin kung mas nakakahawa ba ito maging ang epekto nito sa efficacy ng mga existing na bakuna. —sa panulat ni Angelica Doctolero