Ibinabala ng grupong OCTA Research na maaaring maranasan sa Enero ng susunod na taon ang COVID-19 surge ng Omicron variant.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, dumoble ang reproduction number sa South Africa nang ma-detect ang Omicron variant noong Nobyembre.
Sa ngayon anya ay nasa 4 na ang reproduction number sa South Africa sa loob lamang ng isang linggo kumpara sa Delta surge na umabot lamang ng 2.
Anumang reproduction number na mataas sa 1 ay indikasyon na mabilis ang pagkalat ng virus.
Aminado si David na sakaling ma-detect ang Omicron variant sa Pilipinas, asahang mararanasan ang posibleng surge ng bagong variant sa Enero o Pebrero.