Umaasa ang OCTA Research Group na matutuldukan na ang Omicron COVID-19 variant surge sa katapusan ng Marso o Abril.
Inihayag ni OCTA Research Fellow, Dr. Guido David na maaari pang magtagal ang omicron wave dahil nagsisimula pa lamang ito sa ibang rehiyon.
Ayon kay David, posibleng umabot na lamang sa halos isanlibo ang COVID-19 cases per day sa Marso o Abril pero wala pa itong katiyakan.
Posible naman anya ang alert level 2 sa metro manila kung patuloy ang downward trend sa kalagitnaan ng pebrero sa iba pang lugar.
Una nang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na naabot na ng national capital region ang peak ng arawang COVID case.