Nakikipagpulong na ang Department of Health o DOH sa World Health Organization o WHO matapos makapagtala ang Thailand ng unang kaso ng “Omicron Xe”, isang variant ng SARS COV 2.
Sinabi ng DOH na patuloy nilang binabantayan ito para matukoy kung maikakategorya ang nasabing variant bilang subvariant ng omicron o isang bagong variant.
Katuwang ng ahensya ang Philippine Genome Center sa pag-monitor ng case trend at pagsasagawa ng genomic surveillance activities sa gitna ng banta ng COVID-19 variants.
Patuloy ding ipinatutupad ng DOH ang four-door strategy para mapigilan ang pagpasok ng variant sa bansa.
Ayon sa WHO, ang Omicron Xe ay 10% mas nakahahawa kumpara sa BA.2.
Dahil dito, umapela ang DOH sa publiko na magpabakuna at magpa-booster