Nakapasok na rin sa Japan ang Omicron XE variant ng COVID-19.
Kinumpirma ng Japanese health ministry na isang babaeng mula Estados Unidos ang kauna-unahang kaso ng Omicron XE.
Marso 26 nang dumating sa Narita International Airport ang nasabing babae.
Magugunita noong isang linggo ay kinumpirma rin ng Thailand ang pagpasok ng nasabing recombinant na tinawag ding “frankenstein COVID variant”.