Matapos madiskubre sa Britanya, nakapasok na rin sa South Korea ang unang kaso nito ng Omicron recombinant variant na XL.
Kinumpirma ng Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) na isang pasyente ang mayroong XL variant, na nag-positibo noong March 23.
Tinurukan ito ng third dose, walang travel history at nagpakita lamang ng mild symptoms ng COVID-19.
Isa ang XL sa 17 kombinasyon ng dalawang sublineages ng Omicron na BA.1 at BA.2.
Nagsasagawa na ng Whole Genomic Sequencing ang KDCA upang mabatid kung mayroon pang ibang XL carrier sa bansa.