Idineklara na ang state of calamity sa mga lugar na labis na hinagupit ng bagyong Ompong.
Kabilang sa mga isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Cagayan kung saan nag-landfall sa bayan ng Baggao ang bagyo noong Sabado ng madaling araw; Kalinga kung saan pinaniniwalaang aabot sa isang bilyong piso ang halaga ng pinsala; bayan ng Mayayao sa Ifugao Province maging sa Abra at Benguet.
Inihayag naman ni Civil Defense Cordillera and Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman Ruben Carandang na wala pa silang detalye hinggil sa halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.
Ito, anya, ay dahil hindi pa tuluyang napapasok ng mga awtoridad ang iba pang lugar makaraang matabunan ng lupa habang putol ang linya ng komunikasyon at walang supply ng kuryente.
—-