(PAGASA 6:40 A.M. UPDATE)
Napanatili ng bagyong Ompong ang lakas nito habang tinutumbok ang Cagayan-Isabela area.
Huling namataan ang mata ng bagyo 540 kilometro silangan ng Baler, Aurora na may lakas na pumapalo sa 205 kilometro kada oras at may bugso na aabot sa 255 kilometro kada oras
Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Dahil dito, nadagdagan pa ang mga lugar na isinailalim sa storm warning signals.
Signal number 4:
Ilocos Norte, Cagayan, Northern Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Babuyan Group of Islands
Signal number 3:
Batanes, Southern Isabela, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Northern Aurora
Signal number 2:
Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Southern Aurora, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Quezon including Polillo Island
Signal number 1:
Metro Manila, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon (Lubang Island), Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Burias Island
Ayon sa PAGASA, nakatakdang mag-landfall ang bagyo sa bisinidad ng Cagayan-Isabela bukas, Sabado ng umaga.
Cagayan at Isabela, puspusan na ang paghahanda sa bagyong Ompong
Maaga pa lamang ay nagsimula nang maghanda ang Isabela provincial government kaugnay sa bagyong Ompong.
Inihayag ito sa DWIZ ni Isabela Governor Faustino Bodjie Dy matapos tiyaking handa na ang lalawigan sa pagdating ng nasabing bagyo.
Ayon kay Dy, partikular na tinututukan nila ang paghahanda para sa apat na coastal towns ng lalawigan.
Handang handa naman kami sapagakat meron kaming apat na coastal towns sa aming lalawigan na hindi ito mararating kung hindi by boat or by air kaya nagpreposition na kami as early as Tuesday at nagbaba na rin kami ng no sailing policy. Pahayag ni Dy
Tiniyak pa ni Dy ang mga food packs na kaagad nilang ipapamahagi sa mga lugar sa lalawigan na maaaring matinding maapektuhan ng Bagyong Ompong.
Naka-preposition na rin kami ng pagkain sa mga lugar na puwede ma-isolate. patuloy ang ugnayan namin a lahat ng loacla ogffical sa kani-kanilang mga bayan. Noong Wednesday afternoon, nagpababa na tayo ng forced evacuation to make sure ang safety. Paliwanag ni Dy
Samantala, ipinabatid din sa DWIZ ni Cagayan Governor Manuel Mamba na tuluy tuloy ang paghahanda nila sa pinakamataas na antas para sa nasabing bagyo.
Iginiit din ni Mamba ang target na zero casualty sa lalawigan.
We are praying for the best but preparing for the worst. Ang importante ay wala pong mamamatay, na-organizedd namin ang tao sa purok purok. Pahayag ni Mamba