Ipinababasura ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang Quo Warranto Petition na inihain ni Office of the Solicitor General Jose Calida laban sa punong mahistrado.
Nakasaad sa 77 pahinang tugon na inihain ng mga abugado ni Sereno na pinangunahan ni Atty. Alexander Poblador, na walang otoridad ang Korte Suprema na tanggalin ang punong mahistrado sa kanyang puwesto sa pamamagitan ng Quo Warranto Petition.
Ipinunto ni Sereno na nakasaad sa konstitusyon na maaari lamang matanggal ang mga katulad niyang impeachable officials sa pamamagitan ng impeachment sa Kamara at ‘conviction’ ng Senado na tatayong impeachment court.
Dahil dito, mas maigi umanong i-dismiss ang kaso at hintayin na lamang na ang pagharap ni Sereno sa Senado.