Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na bubuwagin ang isang buong komisyon dahil sa katiwalian.
Sa naging anibersaryo ng Department of Labor and Employment o DOLE sa bulacan, sinabi ng Pangulo na sa Lunes, Disyembre 11 ay tuluyan na niyang sisibakin sa puwesto ang mga opisyal at empleyado ng hindi na niya pinangalanang komisyon.
Aniya, hindi niya patatawarin ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon.
On Monday, I will fire about one commission mismo.
Lahat sila.
Wala akong pakialam makisali lahat, dalawa… tatlo… you have to go out because I do not think it will exist without your knowledge.
Matatandaang nakakuha ng mababang iskor ang Pilipinas kaugnay sa pagpigil sa korapsyon at pagsunod sa rule of law.
Ito ay batay sa Millenium Challenge Corporation o MCC FY 2018 Scorecard kung saan nakakuha ang bansa ng 50% pagdating sa paglaban sa korapsyon at 47% sa rule of law.
Ang Millenium Challenge Corporation ay isang independent aid agency na binuo ng US Congress noong 2004 at naglalabas ng scorecard para sa iba’t ibang bansa batay sa tatlong (3) kategoriya.