Ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang 60% on-site capacity sa kanilang mga empleyado makaraang ipatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang alert level 3 sa Metro Manila.
Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, nag-ooperate ang kanilang ahensya ng 50% at 70% skeleton workforce bilang pagsunod sa health and safety protocols.
Ayon kay Morente, ang mga kliyenteng fully vaccinated na pupunta sa kanilang tanggapan ay kailangang magpakita ng vaccination cards o certification habang ang mga hindi bakunado ay kinakailangang mag-set ng appointment online.
Samantala, ang mga dayuhan naman na nagre-report para sa annual report 2022 ay kinakailangang kumuha ng appointment sakanilang website. —sa panulat ni Angelica Doctolero