Nagpahayag ng pagtutol ang isang grupo ng mga manggagawa sa call center hinggil sa mandato ng gobyerno na on-site duties para sa Business Process Outsourcing (BPO).
Ayon sa inter-call center association of workers, dapat na ikonsidera ng pamahalaan ang unti-unting pagbabalik ng trabaho sa mga opisina.
Paliwanag pa ng grupo, kung may isang empleyado na nagka-ubo o sipon ay may ilan nang nahahawa ng kaparehong sintomas dahil sa impeksyon.
Ang mga headset din anila na ginagamit ng mga empleyado ay isang paraan kung saan ang COVID-19 ay maaaring madaling maipasa sa 100% fully operational na sitwasyon.
Una nang tinanggihan ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang mga kahilingan ng mga kumpanya na palawigin ang remote work arrangement pagkatapos ng March 31, 2022 kung saan dapat na bumalik ang mga manggagawa sa opisina simula April 1, 2022.—sa panulat ni Airiam Sancho