Suspendido hanggang ika-16 ng Marso (Martes) ang on-site work sa punong tanggapan ng Department of Justice (DOJ).
Ito’y ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra upang bigyang daan ang disinfection bunsod ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang tanggapan.
Gayunman, nilinaw ni Guevarra na nagtatrabaho pa rin ang kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng work-from-home arrangement.
Samantala, suspendido rin ang trabaho sa punong tanggapan ng Supreme Court (SC) na katabi lang ng DOJ hanggang bukas, ika-14 ng Marso, dahil pa rin sa isinasagawang disinfection.