Inihayag ng Cebu Pacific na posible ang mga “on-the-spot” na pagkansela o pagkaantala ng flight, dahil mas maraming kawani ng airline ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa airline, na ang mga pasaherong “naglalakbay para sa hindi mahahalagang layunin” na nag-book ng mga flight mula Sabado, Enero a-8, hanggang Enero a-15 ay maaaring mag-rebook, mag-refund, o i-imbak sa kanilang mga travel funds.
Matatandaang, kinakansela ng Cebu Pacific ang ilang flights papuntang Visayas at Mindanao matapos na itaas ang alert level system sa Metro Manila.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ng mga pasahero ang portal manage booking ng Cebu Pacific sa kanilang official website. —sa panulat ni Kim Gomez