Ipatutupad na ng Gobyerno ang “on time” delivery scheme para sa Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines upang mapanatili ang kinakailangang temperatura nito.
Aminado si Dr. Ted Herbosa, Special Adviser ng National Task Force Against COVID-19 na hindi na vaccine supply ang problema bagkus ay ang mga paglalagyan at pagdadalhin sa mga ito.
Dahil karamihan sa mga delivery ay pfizer at moderna, lilikha ang Pamahalaan ng sistema na tinatawag na “just in time delivery” lalo’t matindi ang requirements ng mga naturang bakuna para sa cold chain storage.
Ipinunto ni Herbosa na ultralow temperature freezers na ang kailangan para sa pfizer at moderna vaccines.
Samantala, magdaragdag din ng mga vaccinator sa mga LGU sa scheduled vaccination ng mga menor de edad at sa pagtuturok ng booster at third doses sa priority groups. —sa panulat ni Drew Nacino