Walong mga paliparan sa Pilipinas ang nabigyan ng on-time performance star ratings ng air travel intelligence na OAG o Official Aviation Guide na nakabase sa United Kingdom.
Isa sa mga ito ay ang Iloilo International Airport na nasa ika-labing apat na pwesto sa buong mundo na siyang pinakamataas na nakuha ng mga paliparan sa Pilipinas.
Kung saan nadaig ng Iloilo International Aiport ang iba pang paliparan sa Asya tulad ng Kuala Lumpur International Airport ng Malaysia, Incheon International Airport ng Seoul, South Korea; at Hong Kong International Airport.
Kabilang din sa binigyan ng on-time performance star ratings ay ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA, mga paliparan ng Bacolod, Davao, Tacloban, Laguindingan Airport sa Cagayan de Oro, Kalibo Airport at sa Puerto Princesa.
Batay sa OAG, kailangang maabot ng mga nasabing paliparan ang dalawang criteria at hindi dapat bababa sa 600 ang flights nito kada buwan.
Bukod dito, ang Iloilo International Airport din ang kinilalang best aiport sa Pilipinas.
—-