Ikinakasa na ng AFP ang tinagurian nitong One Big Final Assault sa Marawi City.
Kasunod na rin ito ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Anio nang patuloy na pag abante ng mga sundalo sa main battle area.
Binigyang diin ni Anio na lalo pang lumiliit ang mundo ng mga terorista matapos sunud sunod na mabawi ng mga sundalo ang Grand Mosque, St Marys Cathedral at pagkakapatay sa sampung terorista na sasaklolo sana sa mga miyembro ng Maute Group sa Marawi City.
Tiniyak ni Anio ang One Big Battle na magsisilbing huli at pinaka malaking opensiba para tuluyan nang mabawi ang Marawi City bagamat wala silang itinatakdang deadline para tuluyang tapusin ang giyera sa lungsod.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
SMW: RPE