Magpapatuloy pa rin ang one-child policy ng China hangga’t hindi umaangat ang kanilang antas ng pamumuhay.
Ito ang sinabi ng pinuno ng National Health and Family Planning Commission ng China na si Li Bin sa gitna ng napagtanto ng komisyon na masyadong kaunti ang kanilang yaman kumpara sa laki ng kanilang populasyon.
Noong isang taon, higit sa 1 bilyon ang inilobo ng populasyon ng China kumpara sa 320 milyon lamang ng Estados Unidos na siyang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.
Matatandaang pinayagan ng China ngayong taon ang mga mag-asawa na magkaroon ng dalawang anak.
Subalit dahil sa mababang ekonomiya ng China, sinabi ni Bin na hindi agad-agad mababago ang kanilang one-child policy na nakagisnan na simula pa 1970’s.
By Avee Devierte