Muling inisnab ng mga opisyal ng One Dream Marketing Incorporated ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kasong syndicated estafa laban sa mga ito.
Kabilang sa mga bigong magpakita muli sa preliminary investigation sina One Dream Head Arnel Gacer, Vice President Jobelle de Guzman at iba pang opisyal.
Tanging ang mga One Dream officers na sina Marlon de Guzman at Belinda de Guzman ang nakadalo sa naturang proceedings.
By Judith Larino