One-entry one-exit policy ang ipatutupad ng Philippine Coast Guard o PCG sa Boracay Island kasabay ng pagpapasara ngayong araw.
Ayon kay Philippine Coast Guard Caticlan Station Commander Lieutenant Commander Ramil Palabrica, layunin ng polisiya ang maiwasan ang posibleng pagsasagawa aniya ng kilos protesta sa isla na maaaring pangunahan ng mga makakaliwang grupo.
Pagtitiyak pa ni Palabrica, mahihirapan ang mga turistang nagpaplanong magpanggap bilang mga residente ng Boracay Island lalo’t hihingan ng ID ang bawat papasok na tao.
Kabilang naman sa mahigpit na babantayan ng PCG ay ang Cagban Jetty Port at Sambiray Port sa Boracay Island.
—-