Pipiliting labanan ng PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang bilihan at bentahan ng boto tuwing eleksyon.
Ayon kay Tita de Villa, Chairperson ng PPCRV, kahit anong sistema ang gamitin sa eleksyon para maiwasan ang dayaan ay mawawalan ng saysay kung magpapatuloy ang bentahan at bilihan ng boto tuwing eleksyon.
Ang sistemang ito aniya ang nais nilang mabawasan sa pamamagitan ng kanilang One Good Vote Campaign kung saan pipili sila ng isang barangay sa bawat lalawigan at hihikayatin ang mga botante na huwag ibenta ang kanilang boto.
Ang bawat bahay aniya na mangangakong hindi magbebenta ng boto ay lalagyan nila ng logo na one good vote.
“Pagkatapos ng eleksyon meron kaming analysis, may psychometric analysis system kaming ginawa, makita lang kahit na katiting na nagkaroon ng pagbabago para lang ma-prove natin sa ating mga mamamayan na kung tayo’y magkaisa ay puwede nating labanan itong mga katiwaliang ganito, kasi that’s the height of corruption eh, ang pagnanakaw ng boto.” Pahayag ni de Villa.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit