Nagpaalala ang pamunuan ng Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga dayuhang pupunta ng Pilipinas na magrehistro muna sa One Health Pass online portal.
Ito’y ayon kay BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr., na sistema ng ating bansa para mas mapabilis ang pagpoproseso sa mga COVID-19 related requirements sa pagdating ng airport ng bansa.
Kabilang sa panawagang ito ang mga OFW, non-OFW maging ang lahat ng uri ng dayuhan.
Ibig sabihin, tatlong araw bago ang pagbisita sa Pilipinas ay kinakailangang mag-register sa naturang online portal para makakuha ng transaction number.
Habang isang araw bago ang flight papuntang Pilipinas ay kinakailangang mag-fill up na ng e-health declaration form ang biyahero para makakuha ng QR code.
Sa huli, sinabi ni Salvador na kung hindi pamilyar sa paggamit ng electronic ang biyahero ay nakahanda namang tumulong ang mga airline staff sa mga ito.