Handa na rin magbigay serbisyo ang One Hospital Command Center sa mga non-COVID patient.
Ayon kay Dr. Marylaine Padlan, bukas na ang COVID-19 Hospital Refferal System na tumanggap ng mga tawag ng lahat ng may pangangailangang medikal, COVID-19 man ito o hindi.
Wala aniyang tatanggihan dito basta’t nangangailangan ng tulong o atensyong medikal ang pasyente.
Maaaring makontak ang One Hospital Command Center sa 1555 o kaya sa 886-505-00.