Pormal nang inilunsad kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang One Repatriation Command Center.
Ito ang magsisilbing sumbungan ng mga Distressed Overseas Filipino Workers, partikularang mga inabuso at kailangang umuwi ng Pilipinas sa pamamagitan ng Repatriation Program.
Ayon kay Secretary Susan Ople ng DMW, kailangang maramdaman ng mga OFW ang suporta at gabay sa kanilang gobyerno sa panahon ng pagsubok.
Batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration, umakyat na sa 5,036 ang naitalang repatriation cases noong 2021 at 4,471 nitong 2022.
Nakapagtala naman ang OWWA ng 6,777 repatriation cases noong 2021 at 2,606 ngayong taon.