Nilinaw ng Malakaniyang na hindi pa maaaring ipatupad ang “one-seat apart” rule sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na isang upuan pagitang distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon.
Duon pa lang aniya magiging epektibo ang ruling ng nasabing arrangement para sa mga commuters.
Maliban sa publication ay kailangan pa rin aniyang bumalangkas ng kaukulang guidelines ang LTFRB.
Kaugnay nito hindi na umano nangangailangan pang maglabas ng IATF resolution gayung ang hakbang ay isang consensus na napagtibay na sa cabinet meeting.